Rizal: Bayaning 3rd World (2 Dulang Pampelikula)
| Category | Cinema |
| Publisher | Dela Salle Press |
| Author | Clodualdo del Mundo |
| | Jr. and Mike De Leon |
| Pages | 263 pp. |
| Dimension | 7" x 10", 500g |
| Copyright | c2000 |
| Price | US$ 12.95 | | | Bookpaper ISBN9715553362 |
Ang kolaborasyon nina Mike De Leon at Clodualdo del Mundo, Jr. ay nagsimula noong 1974 sa pelikulang Maynila... Sa mga Kuko ng Liwanag. Si Mike ang prodyuser at direktor ng potograpiya at si Doy ang sumulat ng screenplay na dinirihe ni Lino Brocka. Pagkatapos ng pelikulang iyon, nagsama uli sina Mike at Doy sa ilan pang pelikula -- Itim, Kakabakaba Ka Ba?, Batch 81, Kisapmata, Aliwan Paradise -- at ilan pang proyektong hindi naisapelikula. Noong 1996, ginawa nila ang screenplay ng Rizal para sa Cinemax (ngayo'y GMA Films) na gagampanan sana ni Aga Muhlach bilang Jose Rizal. Dahil sa samut-saring problema, ang proyekto ay hindi naging pelikula. Noong 1997, naisip nilang gumawa ng kanilang sariling pelikula tungkol sa pambansang bayani. Pagkaraan ng mahigit na dalawang taon, pinalabas ang Bayaning 3rd World. Sa tomong ito, mababasa ninyo ang dalawang screenplay na maituturing nating pinakamahalagang obra (sa kasalukuyan) nina Mike De Leon at Doy del Mundo.
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!
|