02
04 sp
Home Back About KabayanCentral Cart Check Out FAQ Contact
07
08


by Author  •  by Publisher  •  by Category

We accept Mastercard!  Mastercard.  The Future of Money We accept Visa too! When you use American Express Cards, you will not be held responsible for unauthorized charges online! And now, Discover Card
Paypal Accepted Smart Padala
Retorika: Para Sa Mabisa At Masining Na Pagsulat
Retorika: Para Sa Mabisa At Masining Na Pagsulat
Category Filipino
Publisher Dela Salle Press
Author Simplicio P. Bisa
Pages 181pp.
Dimension 6"x9"
Copyright c1999
Price US$ 10.95
  Bookpaper ISBN9715552897

Tinatalakay sa librong ito ang mabisa at masining na pagsulat na nakapokus sa apat na uri ng diskors -- ang narativ, descriptiv, expositori, at argyumentativ. Sa pagbibigay-diin sa apat na diskors, sinasaklawan nito hindi lamang ang malikhaing pagsulat at kathang isip, kundi maging ang pagsulat ng mga sanaysay -- teknikal at interpretativ -- tulad ng mga ulat, panayam, rebyung pansining, talambuhay, talumpati, at iba pang mga lathalain or mga artikulo. Naglalaman din ang libro ng mga huwarang modelo na sinulat ng mga pangunahing manunulat sa Pilipinas para sa bawa't uri ng sulatin, gayundin ng mga praktikal na mungkahi at pagsasanay, mga tip sa estilo, sa istruktura ng mga pangungusap at mga talata, at sa iba-iba pa ring istruktura ng mga sanaysay, salaysay, at maikling katha. Ang Retorika ay sinulat upang ang mag-aaral at iba pang may hilig sa pagsulat ay makasunod sa mga hakbang ng pagsulat, maganyak sa paglikha at pag-eeksperimento, magkaroon ng kamalayang mapanuri, at makagawian ang pagsulat bilang isang kasanayan at isang anyo ng sining. Sa kasalukuyan, isang full professor si Simplicio P. Bisa sa Departamento ng mga Wika sa Pilipinas, Kolehiyo ng Malalayang Sining sa Pamantasang De La Salle at nanunungkulan ding Koordineytor ng Paaralang Gradwado, sa Filipino. Napagkalooban siya ng DLSU ng grant sa pagkatha: ang Bro. Flannan Paul Chair sa Rhetoric bilang Writing Fellow for Fiction sa pamamagitan ng Bienvenido N. Santos Creative Writing and Research Center (1994-1995), gayundin ng research grant mula sa University Research Coordinating Office (URCO), 1994-1995, na nagbunga ng nasulat at nalathalang Lagablab: Mga Alaala ng Digma (1998, DLSU Press, Inc.). Pinagkalooban din siya ng Cecilio M. Lopez Distinguished Professional Chair sa Wika at Literatura (1995-1996). Dahil sa kanyang natatanging ambag sa wika at panitikang Pilipino, binigyan siya ng Komisyon sa Wikang Filipino ng GAwad ng Pagkilala, kaugnay ng pambansang pagdiriwang ng Araw ni Balagtas noong Abril 2, 1998. May nalathala siyang katipunan ng maikling kuwento, sa pamamagitan pa rin ng DLSU Press, Inc. -- ang Umaga sa Dapithapon at Iba pang Akda (1994). Siya ay may Gawad Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, sa pagsulat ng kuwento, kabilang ang tinanggap noong 1994 para sa kanyang kuwentong pambata: "Si Pinky, si Tsinita, si Rita Ritz, at si Barbie."

( US$ 10.95 Bookpaper )
Shipping

Quick Jump:
by Author  •  by Publisher  •  by Category

Search KC Book Section

Still can't find the book you want? If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order. If it exists, we will find it!

 

QUICK INDEX: Vintage B&W Tagalog Movies  •  Filipino Videos  •  OPM Music   •   Music/Concert Videos  •  Children's Videos
Educational Videos  •  Documentary Videos  •  Livelihood Videos  •  Phil CD-ROMs  •  Karaoke  •  Books  •  Jewelry Creations  •  Unique Items
Pinoy Food  •  Pinoy T-Shirts  •  La Flor de la Isabela Cigars  •  Tabaqueria Cigars  •  Personal Care
Shipping •  Policies •  Guarantees •  Cart •  Check Out •  Write to Webmaster •  Contact Details

Online since December 28, 1998
Copyright and disclaimers © 1998, 2004 KabayanCentral.com.
All rights reserved.  bf.htx