Po-on
| Category | Literature |
| Publisher | Dela Salle Press |
| Author | F. Sionil Jose |
| Pages | 307 pp. |
| Dimension | 6"x9" |
| Copyright | c1998 |
| Price | US$ 15.95 | | | Bookpaper ISBN9715552868BP |
Sa paglathala ng nobelang ito, tinapos ni F. Sionil Jose ang kanyang obra maestra -- ang Rosales saga. Ang Po-on ang simula ng lahat. Nangyari sa Ilokos noong dekada 1880-1889, ang nobela ay naglalahad ng paglisan ng isang pamilyang kasama mula sa kanilang baryo patungo sa kapatagan ng silangang Pangasinan. Pero higit pa sa istorya ng pagtakas ng kalupitan ng mga Kastila, ito rin ay kuwento ng mahirap na paghahanap ng isang tao sa tunay na paniniwala at mas malaking kahulugan ng kanyang buhay, isang paghahanap na naghatid sa kanya sa ilang hanggang sa kapatagan, at pabalik pagkatapos s maligalig na kapaligiran ng Ilokos sa Cordillera. Heto ang simula ng epikong kasaysayan ng naglalandas sa apat na iba pang nobela -- Tree; My Brother; My Executioner; The Pretenders; at umabot sa sukdulan sa Mass na itinuturing ng iskolar-kritikong si Isagani R. Cruz na "isa sa pinakamahusay na nobelang Pilipino sa lahat ng panahon." Independiyente sa isa't isa, ang limang nobela ay dumadaloy sa kasaysayan ng Pilipinas at sumasakop sa apat na henerasyon -- isang obra na kinikilala ng makata at kritikong si Ricaredo Demetillo bilang "mga unang magagaling na nobelang Pilipino na isinulat sa Ingles -- ang pinakakahanga-hangang pamana ng sinumang manunulat sa kulturang Pilipino."
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!
|