Noli Me Tangere
| Category | Literature |
| Publisher | Dela Salle Press |
| Author | Benjamin C dela Fuente |
| Pages | 406pp, 600g |
| Dimension | 6"x9" |
| Copyright | c2000 |
| Price | US$ 12.95 | | | Bookpaper ISBN9715552706 |
"Ang bantog na mangangathang Amerikano na si William Dean Howells, ang tinaguriang 'easy-chair philosopher' ng kanyang mga kapanahon, ay nakapagsabi, na tinutukoy ang Noli Me Tangere ni Rizal, na anya: 'It is the greatest book written in any language in fifty years.' Hindi lubhang masasakyan ang buong katuturan at kahalagahan ng papuri ni Howells kung hindi babasahing makailan, at higit, kung hindi pag-aaralan, ang nasabing akda ni Dr. Rizal.... Ang mga nobela ni Rizal, lalung-lalo na ang Noli, ay nagtataglay ng mga katangiang hindi natutunaw sa init ng hanggahan ng ating bayan at lalong hindi nauuntol sa guhit ng iisang panahon kundi mahanga'y sumasaklaw sa buong daigdig -- lumalampas sa mga hanggahan -- at lumalagos sa lahat ng panahon ... Ang mga pangyayari sa Noli ay mananatiling totoo at makulay, mananatiling makabuluhan habang ang kaayusan ng mga nilikha, ngayon gaya noon, at bukas gaya noon at ngayon, ay hindi nagbabago. Ang nobela ni Rizal ay sariwa, sa likod ng marami nang taon, sanhi sa kalawakan at katatagan ng katotohanang naging buod na tinampukan ng kagandahan ng pangungusap at tanawing inihiyas sa kanyang diwang mapangarapin, at makabago at makapangyarihan." - TEODORO A. AGONCILLO Si Benjamin C. de la Fuente ay nagturo ng wikang Kastila at kasaysayan sa Pamantasang De La Salle sa loob ng tatlumpu't limang taon. Ang kanyang akdang "Los Progresistas Filipinos de '96" ay nagwagi ng pangalawang gantimpala sa timpalak ng Circulo Cervantino ng Embahada ng Espanya sa Pilipinas. Noong 1990, siya ay ipinadala sa Espanya at tinustusan ng pamahalaang Kastila upang magsaliksik.
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!
|