Arimunding-munding
| Category | Literature |
| Publisher | Dela Salle Press |
| Author | Alberto S Florentino |
| Pages | 82 pp. |
| Dimension | 4"x7" |
| Copyright | c1998 |
| Price | US$ 7.95 | | | Bookpaper ISBN9715552625BP |
Sino kaya ang may katha ng "Leron, Leron, Sinta"? Ng "Ang Tamuneneng Ko"? Ng "Magtanim ay Di Biro"? Hindi ba nakapagtatakang parang alam na alam nating lahat ang mga kantang ito mula pa sa pagkabata -- na sa wari'y una nating narinig mula sa ating nanay, lola, kapitbahay at kalaro? Marahil any hindi na natin malalaman kung sinu-sino ng mga makatang orihinal na kumatha at tumula ng mga ito, gayundin ang naglapat ng melodiya pagkaraan. Gayunpaman, ang mga awitin at tulang bayang ito ay patuloy na huhunihin ng ating magiging anak at ng kanilang magiging apo sa mga susunod na henerasyon. Bago nagretiro noong 1993, nakapaglimbag si Alberto Florentino ng 75 titulo ng kanyang sariling akda at ng iba pang manunulat na Pilipino -- Peso Books, Storymasters, at Makata series, atbp. -- nang mga dekada '60 hanggang dekada '80. Si Florentino ay batikang manunulat ng dula (pang-entablado, -telebisyon, at -sine), maikling kuwento, sanaysay, iskrop at artikulo. Ang kanyang "The World is an Apple" ay nagwagi ng Palanca Award para sa drama sa Ingles noong 1954, at ang kanyang sariling salin nito sa TAgalog na pinamagatang "Ang Daigdig ay Isang Patak na Luha" ay ang kauna-unahang dula na ipinalabas sa telebisyon sa Pilipinas. Sa isang survey na isinagawa para sa isang tesis sa Pamantasang De La Salle tungkol sa canon ng literaturang Pilipino, ang "Ang Daigdig ..." ay nanguna sa listahan ng mga tanyag na dula. Premyadong manunulat rin si Florentino. Naging awardee siya ng TOYM noong 1960, ng Palanca (5 ulit), ng Arena Theater (2 beses), bukod pa sa ibang parangal na kanyang nakamit. Nagbalik si Florentino sa pagsusulat at paglilimbag noong 1997 nang ang kanyang dalawang apong babae (mga Fil-Americans), edad 6 at 8, ay nagsulat ng kani-kanilang libro (tula at kuwento) sa Estados Unidos.
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!
|