Cuento/kwento
| Category | Literature |
| Publisher | Dela Salle Press |
| Author | Magdalena C. Sayas |
| Pages | 109 pp |
| Dimension | 5" x 7" |
| Copyright | c1997 |
| Price | US$ 10.95 | | | Bookpaper ISBN9715551769 |
Unos -- mapait at malupit na hagupit ng nagngangalit na kalikasan, ng ganid at mapang-aping gobyernong dayuhan, ng di makatarungang lipunan, ng makasarili, mapang-imbot at mapaglilong puso, at ng makamundong pagnanasa sa laman. Unos -- sinalungat ng matinding init ng masidhing pag-ibig sa bayan, sa kapwa, at sa sariling malaon nang napiit, ng marangal at walang-hanggang katapatan sa kapilas ng puso, at higit sa lahat, ng banal na pagmamahal sa Maykapal. Unos -- sa pangingibabaw ng init, humupa ang sigwa, at minsan pa'y sumikat, at muling sisikat ang isang maaliwalas at kaaya-ayang umaga. Ito ang Cuento/Kwento -- isang teypestring masining ng malikhaing isip ng pitong awtor sa wikang Kastila, at ngayo'y iniaalay sa Filipinong mambabasa sa wikang Filipino. Si Magdalena C. Sayas ay nagtapos ng Bachelor of Letters in Spanish sa Pamantasan ng Santo Tomas, at doo'y nagtamo ng mga premyo sa mga patimpalak at sa UST Rector's Annual Literary Contest sa kategoryang Kastila. Ang mga kwentong sinulat niya na nagtamo ng mga binanggit na premyo ay ang: "El Valiente," "Noche Azul," at "Un Fantasma." Regular din ang kanyang kontribusyon sa La Voz Estudiantil, ang pahayagang Kastila ng pamantasan. Nagkaroon din siya ng pagkakataong makapagpalathala ng sanaysay at mga tula sa El Debate. Nagtapos ng MA at Ph.D. sa Literatura nang may karangalan, naging tagapayo siya ng pahayagang pampaaralan, modereytor at direktor ng publikasyon, at nang maglaon, Pangalawang Pangulo ng Tanauan Institute, sa Batangas. Bago naging full-time na profesor sa Pamantasang De La Salle, naglingkod siya sa gobyerno bilang Regional Supervisor sa Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports, Rehiyon IV. Sa kasalukuyan, si Dr. Sayas ay Tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Pamantasang De La Salle.
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!
|