Monghita
| Category | Literature |
| Publisher | Dela Salle Press |
| Author | Lakangiting C. Garcia |
| Pages | 106 pp |
| Dimension | 5" x 7" |
| Copyright | c1997 |
| Price | US$ 10.95 | | | Bookpaper ISBN9715550444 |
... Katulad ng dalawang kaluluwang pinagbuklod ng pagmamahalan subalit aywan natin kung bakit tila hindi maligaya, malimit matagpuan ni Bebang ang kabiyak ng dibdib na nakahalumbaba at sa mata'y may luha. Maraming mga dapithapon na ang lalaki'y nakatanaw sa dako roon ng Maynila at wari'y may mahalagang bagay na iniisip. Kung tanungin ng asawa ay saka lamang ito mapapabuntong-hininga at magwiwika, "Naaalaala ko si Naty!" At si Bebang naman ay di makuhang magalit o mag-alinlangan kaya sa pagmamahal ng kabiyak sa dibdib. Pati siya'y napapaluha at naaalaala ang kapatid. Unang inilathala noong 1933, narito ang isang kwento ng walang kasingwagas na pag-ibig. Isang pag-ibig na humamon sa katatagan ng tatlong puso at nagtulak sa isa upang talikdan ang buong daigdig. Marami sa mga tagpo at salita sa klasikong ito'y pinatay na ng panahon, subalit ang nag-aapoy na pag-ibig ay di kayang palamigin ng mga taon. Ang pinakamoderno mang kabataa'y luluha sa kasaysayan ni Sor Naty..
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!
|